ILANG RICE RETAILERS HILING ANG PAGKAKAROON NG SUPPLY NG NFA RICE SA MGA PAMILIHAN SA PANGASINAN

Suhestyon pa rin ng ilang rice retailers sa Pangasinan ang pagkakaroon umano sana ng suplay ng NFA rice sa mga pwesto sa pampublikong pamilihan at mga palengke sa probinsya.

Ayon sa ilang rice retailer na nakapanayam ng IFM Dagupan News Team, madalas ukanong hinahanap ng mga mamimili ngayon ang abot-kayang presyo ng bigas kaya malaking tulong umano ito kung magkakaroon ng supply nito sa mga palengke.

Sa ngayon, kahit papaano ay malaki na rin ang ibinaba ng presyo sa kada kilo ng lokal na bigas kung saan may makikitaan nang 35 pesos hanggang 40 pesos bilang pinakamababang alok.

Sinabi rin ng mga ito na Mas marami rin silang kinukuhang suplay ng lokal na bigas bilang suporta sa mga sariling produkto at sa mga magsasaka kaysa sa imported na bigas.

Nauna nang inanunsyo ng pamahalaan na patuloy na inaasahang bababa pa ang presyo ng bigas dahil sa pagkakaroon ng maximum suggested retail price sa mga imported na bigas at pagkakaroon ng rice for all saga pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments