Ilang sasakayan, nasunog sa Barangay Oranbo sa Pasig City

Halos sampung high-end na mga sasakyan ang nasunog sa isang automotive shop sa Javier Street, Brangay Oranbo sa Pasig City ngayong umaga.

Ito ay batay sa inisyal na ulat ng Pasig City-Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagsimula ang sunog sa pasado alas-9:10 ngayong umaga na umabot lang ng unang alarma pero tumagal ng mahigit isang oras bago naapula.


Ayon kay PCSupt. John Pinagod ng Pasig City Fire Marshal, nagsimula ang sunog sa 2nd floor ng barracks area ng nasabing automotive shop.

Aniya, nasa 12 fire trucks ang mga rumesponde sa nasabing sunog pero pahirapan pa rin sa pag-apula dahil sa posibleng pagsabog ng mga sasakayan na nasa loob ng automotive shop.

Tinatayang nasa P10,000,000 ang halagang pinsala sa sunog at hindi naman nadamay ang mga kalapit na mga gusali nito.

Facebook Comments