Ilang sasakyan na iligal na nakaparada sa bahagi ng Cubao Quezon City, ang hinatak ng MMDA

206

Manila, Philippines – Ilang sasakyan na iligal na nakaparada sa bahagi ng Cubao, Quezon City ang hinatak ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasunod ito ng isinagawang clearing operations sa bahagi ng main, 16th at 18th avenue sa Barangay San Roque.

Kahit wala ang may-ri ng mga sasakyan, hinatak pa rin ito ng mga tauhan ng MMDA at nag-iwan na lang ng impounding notice sa gilid ng kalsada.


Hindi rin nakaligtas maging ang mga motor rider na nagmamaneho nang walang helmet at walang dalang lisensya.

Samantala, ayon kay MMDA Operations Chief Bong Nebrija – iniimbestigahan na nila ang mga ulat na may mga residenteng nagbabayad sa barangay para payagan pa rin silang makapagparada sa gilid ng kalsada.

Facebook Comments