"Ilang senador, hindi natuwa sa pork barrel expose’ ko" – Sen. Lacson

199

Aminado si Senator Panfilo Ping Lacson na marami sa kanyang mga kasamahan lalo na sa majority bloc ang nagtampo at sumama ang loob dahil sa paninindigan niya laban sa pork barrel.

Pero giit ni Lacson, ganyan talaga ang buhay at wala syang magagawa basta’t alam niya ay tama na nilabanan niya ang pagsiksik ng pork barrel sa pambansang budget.

Ayon kay Lacson, nararamdaman niya ang sentimiyento ng kanyang mga kasamahan laban sa kanyang adbokasiya sa tuwing nagkakarooon sila ng caucus.

Binanggit pa ni Lacson, na habang nagbibigay sya ng talumpati sa plenaryo kaugnay sa kanyang boto kontra sa ratipikasyon ng 2019 budget ay nahalata niya ang pagkadismaya ng iba niyang kasamahan pero yung iba naman ay mukhang naliwanagan at mayroon din namang kampi sa kanya.

Nauna nang sinabi ni Lacson na may kabuuang P23-B ang insertions ng ilang senador sa 2019 budget habang ang mga kongresista naman ay tig-P160-M.

Facebook Comments