
Hinikayat ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., ang mga Pilipino na lumabas at bumoto sa gaganaping midterm elections sa Lunes.
Ayon kay Revilla, hinihimok niya ang mga botante na gampanan ang kanilang “sacred duty” na bumoto dahil ito ang magsisilbing pundasyon ng demokrasya.
Sa halalan aniya ay pantay-pantay at pare-pareho na may isang boto ang bawat Pilipino tungo sa kinabukasan ng bansa kaya mahalaga ang araw na iyon.
Tiwala naman si Revilla sa Commission on Elections (COMELEC) at sa mga otoridad para sa maayos at mapayapang eleksyon.
Facebook Comments