Ilang senador, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol

54

Kumilos na ang ilang mga senador para magbigay ng tulong sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Sina Senador Bong Go at Robin Padilla ay personal na nagtungo sa Bangued at sa Lagangilang, Abra nitong Linggo para magbigay ng tulong sa mga earthquake victims.

Ininspeksyon din ng mga senador ang mga quake-hit areas sa Barangay Sta. Rosa sa Bangued bago nagsagawa ng dalawang hiwalay na relief operations.


Nagbigay ang mga senador ng grocery packs, meals, vitamins, masks at shirts sa 1,692 na apektadong residente.

Namahagi rin ang mga senador ng tablets at sapatos sa mga piling recipients.

Bukod kina Go at Padilla ay nagsagawa rin ng sariling pagbibigay tulong sa mga biktima ng lindol si Senator Sonny Angara.



Ang opisina ni Angara ay nakapag-turn over ng mga solar-power generator sets at mga bottled water sa lokal na pamahalaan ng Abra.

Facebook Comments