Ilang senador, naniniwala na walang koneksyon sa terorismo ang insidente sa Resorts World

Manila, Philippines – Kumbinsido sina Senators Sherwin Gatchalian at Tito Sotto III na hindi konektado sa teroristang grupo ang naganap na kaguluhan sa Resorts World Manila kung saan 36 ang patay at marami ang nasugatan.

Ayon kay Senator Gatchalian, tanging mga taong wala sa wastong pag-iisip ang sasamantalahin ang sitwasyon sa Mindanao at magpanggap na konektado sa ISIS o Maute terror group.

Naniniwala si Gatchalian, na ang motibo ng pag-atake sa resorts World ay may kaugnayan sa sugal at pera.


Binigyagn diin naman ni Senator Sotto, na isolated incident ang nangyari sa Resorts World.

Sinabi pa ni Sotto, na bagamat dayuhan ang suspek ay hindi naman istilo ng ISIS ang ginawa nito.

Sa tingin ni Sotto, isa lang itong gambler na nag-flip.
DZXL558

Facebook Comments