Ilang senador, umalma sa pagtawag ng Pangulo kay Secretary Duque bilang “hero”

332

Hindi sang-ayon ang ilang senador sa pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Secretary Francisco Duque III bilang hero dahil sa mahusay na pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Giit ni Senate President Tito Sotto, opinyon yun ng Pangulo pero para sa kanya ay mga frontliners ang tunay na mga bayani.

Sabi naman Senator Sherwin Gatchalian, may iba pa na maituturing na “hero” na may epektibong ambag sa COVID response ng pamahaalaan dahil team effort at hindi gawa lang ng iisang tao ang pagtugon sa pandemya.


Kabilang sa mga binanggit ni Gatchalian sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Task Force Deputy Chief Implementer Vince Dizon at lahat ng medical frontliners.

Tahasan namang sinabi ni Senator Kiko Pangilinan na si Pangulong Duterte na lang at kanyang kampo ang naniniwala sa pagiging excellent at pagiging hero ni Duque dahil sa “good” COVID response.

Facebook Comments