Ilang Senate Minority Senators, dinalaw si Senator Leila De Lima sa kulungan

85

Manila, Philippines -Dinalaw ng minorya sa senado si Senator Leila De Lima sa Philippine National Police Custodial Center.

Magkakasama sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes at Riza Hontiveros.

Ayon kay Drilon, tinalakay nila ang legislative agenda sa muling pagbubukas ng sesyon ng senado.

Gusto aniya ni De Lima na hingin sa korte na makasali siya sa mga pagdinig ng komite at makaboto sa mga kritikal na isyu sa senado kabilang na ang tinututulan niyang pagpapaliban sa barangay elections at pagbabalik ng parusang bitay.

Sabi naman ni Pangilinan, maayos ang lagay ni De Lima sa kulungan.

Sa katunayan aniya, halatang nabawasan na ang stress ng senadora dahil bihira na itong makahawak ng gadgets.

DZXL558

Facebook Comments