
May mensahe ang Palace Press Officer Claire Castro sa ilang senator-judges na lantarang naghahayag ng suporta kay Vice President Sara Duterte, na nahaharap sa patung-patong na reklamo kaugnay ng impeachment.
Para kay Castro, dapat magpakita ng kaunting kahihiyan ang mga ito dahil tungkulin nila bilang hukom, na maging “neutral” at hindi “bias” o walang pinapanigan.
Igalang naman aniya sana ng mga senador ang taong bayan, dahil tungkulin nilang pagsilbihan ang publiko at hindi ang interes ng iisang tao lang.
Tugon ito ng Castro sa pahayag ng house prosecutor na si Rep. Joel Chua, na nababahala sa hayagang pagbibigay-suporta ng ilang senator judges sa bise presidente tulad nina Sen. Robin Padilla at Sen. Imee Marcos.
Facebook Comments