Ilang senior citizens, dumagsa sa Delpan Sports Complex para kumuha ng kanilang monthly allowance

563

Dumagsa sa Delpan Sports Complex sa lungsod ng Maynila ang ilang mga senior citizen para kumuha ng kanilang monthly allowance.

Ito ay sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan makakatanggap ng P500 kada buwan ang mga nakakatanda.


Pahirapan ang mga tanod at ilang tauhan ng Manila City Local Government Unit (LGU) na kontrolin ang pila dahil biglang dumagsa ang mga lolo’t lola mula sa Disitrict 1 matapos huminto ang buhos ng ulan.

Mula sa labas hanggang sa loob ng Delpan Sports Complex ay pahirapan na maipatupad ang physical distancing at iba pang guidelines sa health protocols.

Nabatid na iisa lang ang daanan papasok at papalabas kaya’t nagsisiksikan ang mga nakatatanda na nais makuha ang tatlong buwan nilang allowance na nagkakahalaga ng P1,500.

Facebook Comments