Ilang showbiz personalities at opisyal ng gobyerno, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces

104

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga artista at ilang mga opisyal ng gobyerno sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces o Jesusa Sonora-Poe sa tunay na buhay.

Sa kani-kanilang mga social media account ay ipinarating ng mga nakasama nito sa pelikula ang kanilang kalungkutan at pakikiramay.

Ilan sa mga nagpaabot ng mensahe sa pagpanaw ng beteranang aktres ay sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Bianca Gonzalez at Bela Padilla.


Ayon kay Alex, hinding-hindi niya makakalimutan ang kabaitang ipinamalas ni Susan sa kaniya at iba pang mga katrabaho.

Habang, si Bianca ay nakiramay sa naulilang pamilya ni Susan at halos speechless naman si Bela na nasabi lang na, “My Tita Sue.”

Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay sina Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez, Ogie Alcasid, Ogie Diaz, Jaya, Ruby Rodriguez at ilang mga opisyal ng gobyerno na sina Sen. JV Ejercito, Sen. Chiz Escudero at Sen. Lito Lapid.



Matatandaan, kinumpirma kagabi ng anak ni Susan na si Sen. Grace Poe ang pagpanaw ng kaniyang ina sa edad na 80.

Facebook Comments