Ilang sports event sa SEA Games, libreng mapapanood ng publiko

Libre na ang ticket para ilang laro sa 30th Southeast Asian Games.

 

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, libreng 10,000 ticket para sa closing ceremony ng SEA Games maging sa lahat ng laro sa Biennial meet Maliban sa basketball, volleyball at football.

 

Nilinaw naman Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation Inc. Chief Operating Officer Ramon Suzara, na hindi na maibabalik ang pera ng mga nakabili na ng passes kahit pa nilibre na ang mga ticket para sa halos lahat ng event sa 30th Southeast Asian Games.


 

Aniya, sa halip na refund ay bibigyan na lang nila ng ‘premium’ ang mga nakabili na ng ticket para makabawi sa ginastos ng mga manonood sa SEA Games.

Facebook Comments