ILANG STALL NG TALABA VENDORS SA BRGY. LUCAO, DAGUPAN CITY, INIREREKLAMO DAHIL SA UMANO’Y SOBRANG LAPIT NG DISPLAY SA HIGHWAY

Isinangguni ng ilang residente ang umano’y pananamantala ng ilang talaba vendors sa sobrang pag-lapit ng kanilang display sa bahagi ng highway sa Brgy.Lucao, Dagupan City.

Sa salaysay ng mga ito sa IFM News Dagupan, may mangilan-ngilang stalls umano ang patuloy na nagbebenta na halos wala sa isang metro ang layo mula sa national highway.

Pangamba ng mga ito na posibleng pagmulan ng aksidente ang posisyon ng ilang stalls dahil medyo populated umano ang naturang bahagi at pangunahing dinadaanan ng mga motorista papunta at palabas ng Dagupan City.

Ayon naman sa ilang manlalako, sumusunod umano sila kautusan ng barangay council na i-usop palayo sa kalsada ang kanilang display ngunit marami pa rin ang sumusuway kapag walang sumisita.

Isa ang hilera ng talaba vendors sa Brgy. Lucao sa mga higit tinatangkilik umano ngayon dahil sa pagtatampok ng ilang content creators online kabilang ipinagmamalaking iba’t-ibang luto nito tulad ng pigar-pigar, grilled at steam

Kaugnay nito, hinimok ng ilang manlalako ang ibang kapwa manlalako na sumunod sa patakaran upang mapanatili ang kaligtasan ng pawang residente at motorista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments