Ilang supermarkets, tutulong sa Department of Agriculture (DA) para mapatatag ang presyo ng baboy

54

Nangako ang ilang malalaking supermarket na tutulong sa Department of Agriculture (DA) ang para mapatatag ang suplay at presyo ng karne ng baboy at manok.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, bibili ang North Star ng buhay na mga baboy para katayin at ide-deliver sa lahat ng sangay ng SM Supermarkets, Walter Marts at public wet markets.


May 300 market outlets ang SM sa buong bansa ang magbebenta ng tamang presyo ng baboy at manok.

Tiniyak naman ni Arnold Daluz, pangulo ng SM Hypermarket, na kaisa sila ng gobyerno para pagsilbihan ang publiko.

Facebook Comments