ILANG TANIMAN NA APEKTADO NG HARABAS SA BAYAMBANG, KINUMPIRMA NG DA RFO1; SUPLAY NG SIBUYAS SA BAYAN NANATILING MATATAG

Kinumpirma ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 ang pamemeste ng harabas o ‘armyworm’ sa ilang taniman ng sibuyas sa Bayambang.
Ayon sa inisyal na report ng DA-DRRM Operations Center, nakitaan ng pamemeste sa ilang bahagi ng taniman ng sibuyas ang bayan.
Bagamat may suplay pa ng sibuyas na ibinabagsak sa pamilihan, mahigpit pa rin ang pagmomonitor ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 laban sa pamemeste ng harabas mga taniman ng sibuyas.

Ayon sa ilang nagbebenta ng sibuyas sa bayan bagamat apektado ang ilang sakahan ng pester, nanatiling matatag ang suplay nito sa pamilihang bayan na nasa 90 pesos kada kilo.
Samantala, Namahagi rin ang tanggapan ng mga botanical insecticide sa mga magsasaka habang may regular silang monitoring sa mga sakahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments