Ilang top aides ni outgoing US President Donald Trump, nagbitiw na sa pwesto

41

Nagbitiw na sa pwesto ang ilang top aides ni outgoing President Donald Trump at First Lady Melania Trump matapos ang bayolenteng pagsugod ng mga supporters nito sa Capitol Hill.

Isa si Chief of Staff to the First Lady Stephanie Grisham sa mga na-resign at sinabing ipinagmamalaki niya ang mga nagawa ng administrasyong Trump.


Habang nagbitiw na rin sa pwesto sina White House Social Secretary Rickie Niceta at Deputy White House Secretary Sarah Matthews.

Inaasahan ding magre-resign na sina National Security Adviser Robert O’Brien kasunod ng pahayag nitong ipinagmamalaki niya ang ginawang pagsisilbi kay Trump.

Samantala, umakyat na sa apat na indibidwal ang nasawi bunsod ng nangyayaring protesta sa US Capitol

Facebook Comments