Ilang transport groups, hindi iaatras ang hirit na P12 na minimum na pasahe

25

Hihirit pa rin ng taas-pasahe ang mga transport groups sa kabila ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Mula sa kasalukuyang 9-pesos na minimum na pasahe ay gusto nila itong itaas sa 12 pesos.


Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin – hindi nila matantya o mapakiramdaman ang galaw ng mga oil companies.

Sinabi naman ni Fejodap President Zenaida Maranan – hinihiling naman nila ang 10 pesos na provisional fare.

Sa February 4 ang hearing ng Fejodap sa LTFRB at isa sa pinangangambahan ng mga tsuper ay ang pagpapatupad ng mataas na excise tax sa petrolyo.

Facebook Comments