Ilang Turista na Na-stranded sa Batanes, Posibleng Makabiyahe Ngayong Araw!

27

*Cauayan City, Isabela-* Posibleng makabiyahe ngayong araw ang ilang mga turista na na-stranded sa Batanes dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng magkakasunod na bagyo nitong mga nakaraang araw.

Ito’y matapos hindi pahintulutan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC ang mga residente na sumakay dahil sa kanseladong biyahe ng mga eroplano papasok at palabas ng lalawigan ng Batanes.


Maayos na rin ang sitwasyon ng Batanes sa kabila ng naranasang magkasunod na bagyo maliban sa mga napinsalang pananim na palay sa Fuga Island dahil sa bagyo.

Sa ngayon ay inaalam na ng PDRRMC ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa naturang probinsya.

Facebook Comments