Ilang UP students, nag-walk out sa UP Diliman

Manila, Philippines – Nag – walk out sa kanilang mga klase ang ilang mga estudyante sa UP campus sa Diliman, Quezon City.

Bitbit ang mga streamers, inilarawan nila si President Rodrigo Duterte na duwag, mamamatay tao at diktador.

Tinuligsa din ng mga estudyante ang mga polisiya ng gobyerno partikular ang Tax Reform Acceleration and Inclusion TRAIN law.


Sinuportahan din nila ang mga driver ng jeepney na tutol sa jeepney modernization program ng Duterte administration.

Nagtigil pasada din kanina ang mga jeepney driver na nag-ikot sa academic oval.

Sumama din sa kilos protesta ang mga grupo ng mga guro at mga vendor.

Facebook Comments