Ilegal na istruktura sa loob ng Bilibid, giniba

91

Giniba ang mga ilegal na istruktura sa loob ng New Bilibid Prisons.

Nasamsam ang ilang rolyo ng ilegal na droga, pera, mga patalim, videoke, generator, at mayroon pang oven na ginamit sa ginawang bakery ng mga preso sa loob ng piitan.


Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag, nagiging pugad ang mga kubol sa ilegal na gawain ng mga drug lord.

Dito rin aniya kumikita ang mga BuCor Guards na ginagawang paupahan ang mga kubol para sa mga VIP inmate.

Giit ni Bantag, hangga’t wala pang karagdagang kulungan ay sama-sama ang lahat ng inmate, ordinaryo man o may impluwensya.

Para kay NCRPO Chief, Major Gen. Guillermo Eleazar, suportado nila ang plano ni Bantag na linisin ang Bilibid.

Aabutin ng tatlong araw ang pagbuwag sa mga ilegal na istruktura sa isang quadrant ng Maximum Security Compound.

Facebook Comments

From Advertisers