ILIGAL NA DROGA | Cabinet Secretaries, lelektyuran sa Malacañang

49

Manila, Philippines – Magsasagawa ngayon ng Lecture patungkol sa iligal na droga sa mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Itinuturing kasing national security issue ng administrasyon ang iligal na droga at seryoso ang pamahalaan sa paglaban dito.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mayroong mga inimbitahang lecturer sa Malacañang para iharap sa mga gabinete pero hindi naman aniya niya alam kung sino ang mga ito.

Bukod sa gabinete, kasama din aniyang makikinig si Pangulong Rodrigo Duterte at maaaring magbigay din ito ng nga komento o kanyang inputs sa usapin.

Naniniwala si Panelo na kailangang malaman ng lahat ng gabinete kung gaano kaseryoso ang Pangulo sa paglaban sa iligal na droga.

Kabilang aniya sa mga posibleng matalakay ay kung gaano kalawak ang operasyon ng iligal na droga sa bansa at dahil aniya talamak na ang operasyon nito sa Pilipinas ay itinuturing na ito bilang banta sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments