ILIGAL NA DROGA | Dating miyembro ng Baywalk bodies, Arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang dating miyembro ng girl group na Baywalk bodies sa isang anti-illegal drugs operation sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Kat De Santos na naaresto sa kanyang bahay sa barangay San Jose.

Nakumpiska kay De Santos ang isang sachet ng shabu.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments