ILIGAL NA DROGA | Pagkakasangkot ng mga local official, pinatunayan ng PDEA

Manila, Philippines – Pinatunayan mismo Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang direktang pagkakasangkot ng mga Local Official sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.

Sa kasalukuyan ay may 254 na Local Officials ang kanilang naaresto simula nang ilunsad ang War on Drugs ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Real NumbersPH News Conference sa kampo Crame, sinabi ni Director Derrick Arnold Carreon ng PDEA na ang pinakamataas na posisyon ay isang Board Member.


Vice Mayor – 4
City Councilor – 1
Municipal Councilors – 4
Barangay Captain – 81
Barangay Kagawad – 163
SK kagawad – 2

Sa record ng PDEA ang Board member na kanilang naaresto ay si Board member Hussein Magandia ng Lanao del Sur.

At ang City Councilor ay si Amien Khalid Dimal ng Marawi City.

Facebook Comments