Iligal na droga, problema sa buong mundo – PRRD

89

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pandaigdigang giyera laban sa iligal na droga ang kinakaharap ngayon ng maraming bansa.

Ito ay bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Moscati Meadows Treatment Facility sa Laur Nueva Ecija kung saan ay sinabi ni Pangulong Duterte na nasa Pilipinas na ang Sinaloa drug cartel at ang bamboo triad.

Kaya naman muling nagbabala si Pangulong Duterte sa mga magtatangka na wasakin ang Pilipinas sa pamamagitan ng iligal na droga ay kanyang papatayin.

Sinabi din naman ni Pangulong Duterte na ang pasilidad na itinayo ay magsisilbing kanlungan ng mga biktima ng drug abuse at magiging malaking tulong para sa mga kababayan nating drug dependent.

Nabatid na ang Moscati Meadow Tratment Facility ay kayang tumanggap ng aabot sa 50 drug patients para isailalim sa 6 na buwang rehabilitasyon.

Facebook Comments