ILIGAL NA SUGAL | 16 na Chief of Police, sinibak dahil sa pagpapabaya

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang mga indibdwal na naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot sa iligal na sugal.

Ayon sa kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, simula January 1 hanggang kahapon nakapagsagawa ang PNP na mahigit labing-apat na libong operasyon kontra iligal na sugal sa buong bansa.

Sa libo-libong operasyong ito, 29, 376 na indibidwal ang kanilang naaresto.


Nakuha sa mga ito ang mahigit sampung milyong halaga ng mga gambling paraphernalia.

Kaugnay nito labing anim na chief ofpPolice na ang nasisibak dahil sa pagpapabaya sa operasyon ng iligal na sugal kanilang area of responsibility.

Anim na chief of police ay naaresto sa Region 6, lima sa Region 5, isa sa Region 6, isa sa Region 11, dalawa sa Region 12, at isa sa Region 1.

Facebook Comments