ILIGAL| Trapik sa Manila, hindi mawawala hangga’t mayroong iligal na terminal

35

Manila, Philippines – Umapela ang mga lehitimong driver ng FX at UV Express kay Manila Mayor Joseph Erap Estrada na gumawa na ng aksyon upang matanggal na ang pamamayagpag ng mga illegal terminal sa lungsod ng Manila.

Ayon sa mga driver ng FX at UV Express na tumangging ibigay ang kanilang pangalan dahil baka pag-iinitan sila ng Manila City Government na wala umanong ginagawang hakbang upang matanggal na ang mga kolorum na terminal sa Maynila.

Dismayado rin ang mga tsuper kay Manila Traffic Parking Bureau Director Dennis Alcoreza sa kawalang aksyon sa mga illegal terminal partikular na sa Lawton.

Nagduda umano sila na baka nakikinabang si Alcoreza sa mga illegal terminal sa Manila kaya wala siyang ginagawang aksyon upang maalis ang pamamayagpag ng mga ito sa Maynila

Facebook Comments