Illegal campaign materials, talamak pa rin – Comelec

34

Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na mayroon pa ring mga pasaway na kandidato na mayroong illegal campaign materials.

Sa kabila nito, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, may nakahanda nang reklamo ang kanilang local offices laban sa mga may illegal campaign material.

Gayunman, hindi pa aniya agad agad maipapatupad ang parusa laban sa mga ito.

Umapela naman si Jimenez sa publiko na i-report ang mga kandidatong mayroong illegal campaign material sa kanilang social media accounts.

Facebook Comments