Nagpapatuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ukol sa mga itinayong illegal na mga fish pens sa lungsod.
Isa sa hakbang ngayon ng lokal na gobyerno ay ang pagkakaroon ng fish cage registration at Aquaculture Lease Agreement na saklaw ang pagkakakilanlan ng mga nag-ooperate ng fish cages kung ilegal o hindi.
Napasakamay na rin sa mga pumirmang fish cage owners/operators ang kanilang permit to operate at business plates.
Makatutulong ito upang maprotektahan ang mga maliliit na sumisigay pagdating sa kanilang kabuhayan.
Ayon kay Mayor Fernandez, kailangan din ang naturang hakbang upang patuloy na maitaguyod ang bangus industry ng lungsod.
Samantala, matatandaan na hindi pinapayagan ang mga illegal fish pens at nauna nang nagkaroon ng demolition maging ang mga oversized at anumang illegal structures. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨