ILLEGAL GAMBLING | 18 tao, arestado sa 2 bayan sa Pangasinan

40

Pangasinan – Arestado ang labing walong tao sa dalawang bayan sa Pangasinan dahil sa iligal na sugal.

Sa ulat, dinakip sa bayan ng mangaldan ang apat na lalaki na naglalaro ng pusoy dos sa kalye na nakilalang sina Leunardo Sison, Cris Arzadon, Ryan De Vera at Roel Penulliar.

Nakuha mula sa kanila ang mga baraha at pera na nagkakahalaga ng higit P1,000.00.

Sa bayan naman ng San Fabian, 14 na tao ang binitbit ng mga pulis dahil sa pustahan sa laban ng mga gagamba.

Higit P500 ang perang nakuha sa operasyon ng mga pulis, pati na ang ilang gamit para sa sabong ng mga gagamba.

Facebook Comments