Arestado ang isang 46-anyos na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang *shabu* sa Barangay Tambac, Malasiqui, Pangasinan.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Budoy,” residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat ng Malasiqui Municipal Police Station, nagpapatrolya ang mga awtoridad nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek. Nang lapitan siya ng mga pulis, agad itong tumakbo, dahilan upang kanyang maiwan ang isang .38 caliber revolver na may lamang tatlong bala.
Matapos ang habulan, naaresto rin ang suspek at nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P204,000.
Dinala na sa Malasiqui Police Station ang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments