Illegal recruiter, arestado sa Makati City

Manila, Philippines – Arestado ang isang illegal recruiter matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP Anti Transnational Crime Unit (ATCU) sa may bahagi ng Walter Mart Makati City kanina.

Kinilala ang naarestong illegal recruiter na si Rosalie Martin Fadera residente ng Pulo San Rafael Bulacan.

Sa report na pinadala ni PNP ATCU Head, Police Supt Roque Merdeguia alas 3:45 ng hapon kanina ng isagawa ng mga tauhan ng PNP ATCU ang operasyon Walter Mart Makati City.


Nagresulta ang operasyon matapos magreklamo ang limang katao sa PNP ATCU na hiningian sila ng 100 libong piso para sa processing fee umano upang makapag trabaho bilang factory at farm workers sa Japan.

Nagsagawa muna ng validation sa POEA ang PNP ATCU at dito na napatunayang walang lisensya sa recruiter.

Nakakulong na sa PNP ATCU ang suspek at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA no 8042 o Migrant Workers nd overseas filipinos act of 1995 at Art. 315. Swindling o estafa.

Facebook Comments