ILLEGAL RECRUITER | Singaporean national, timbog

Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ang Crime
Investigation And Detection Group (CIDG) isang Singaporean National na may
kasong illegal recruitment at estafa.

Nakilala ang suspek na si Arvind Arasu, 27 taong gulang at nakatira sa
Joyful Subdivision Brgy. San Jose, Antipolo City.

Ayon kay Supt. Roque Merdegia, hepe ng Anti-Transnational Crime Unit ng
CIDG, modus ng suspek na pangakuan ng trabaho sa mga hotel at restaurant sa
Singapore ang kaniyang mga nabiktima na may buwanang sahod na P55,000.


Pero kapalit aniya nito ang hanggang P25,000 hanggang P125,000 na
processing fee.

Nabatid na umabot na sa mahigit 80 ang nabiktima ng suspek.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments