Ilocos Norte at Compostela Valley, niyanig ng magkasunod na lindol

132

Manila, Philippines – Magkasunod na tumama ang lindol sa Ilocos Norte at sa Compostela Valley, kaninang umaga.
Unang niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng adams sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim lang na 13 kilometers ang pagyanig na naganap alas 4:59 ng umaga kung saan naitala ang epicenter nito sa 9 kilometers west ng adams.
Alas 7:48 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.1 na lindol ang Pantukan, Compostela Valley.
Naitala ang pagyanig sa 11 kilometers west ng pantukan na may lalim na 30 kilometers.
Wala naman inaasahang aftershocks at wala din naitalang pinsala sa dalawang lindol.

Facebook Comments