Ilocos Norte, ilalagay sa Alert Level 2 simula bukas

67

Ilalagay na sa Alert Level 2 ang lalawigan ng Ilocos Norte simula bukas, Nobyembre 8.

Sa anunsyo ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc, epektibo na ang alert level system sa loob ng dalawang linggo.

Matatandaang inilagay ang probinsya sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) na siyang pinakamaluwag na quarantine restriction simula Nobyembre 1.


Ayon kay Governor Manotoc, mas magiging maluwag ang Alert Level 2 classification dahil papayagan na nito ang paglabas ng bahay ng mga kabataan.

Inaasahang maglalabas ng mas detalyadong panuntunan ang provincial government sa mga susunod na araw patungkol sa alert level system na ipapataw sa Ilocos Norte.

Facebook Comments