Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

37

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Ilocos Norte kagabi.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig sa 68 kilometro hilagang kanluran ng Burgos, Ilocos Norte dakong alas-9:38 ng gabi.


May lalim ang pagyanig na hanggang 33 kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala pero magkakaroon ng aftershocks.

Facebook Comments