Ilog sa Ampatuan humihigop ng tao?

Itinuturing ngayong nababalot ng kababalaghan ang Kakal River sa bayan ng Ampatuan Maguindanao .

Itoy bunsod na rin sa magkakasunod na insidente ng pagkalunod sa ilog ng ilang residente.

Sinasabing kada taon ay may namamatay sa kakal River ayon pa kay Bai Suraida Ampatuan Mamaluba, kapitana ng Brgy Kamasi.


Ilang mga residente na rin aniya ang nakaranas ng kakaibang pakiramdam sa tuwing nanaligo sa ilog.

Kaugnay nito hinihikayat ng kapitana na umiwas na munang magtungo at maligo sa kakal river,
Itoy matapos na malunod at binawian ng buhay ang isang grade 2 pupil at 5 year old na mga batang lalaki noong nakaraang linggo.

Layun nito ay upang di na masundan ang mga aksidente giit pa ng kapitana. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments