Iloilo Representative Janette Garin, idinaan sa kanta ang tugon sa senate blue ribbon committee report

151

Idinaan ni dating Health Secretary at Iloilo Representative Janette Garin sa kanta ang kaniyang pagkadismaya sa Senate Blue Ribbon Committee Report kung saan kabilang siya sa mga inirekomendang kasuhan dahil sa pag-divert ng ₱10.6 billion na PhilHealth funds.

Sa isang virtual conference, gumawa ng sariling bersyon si Garin ng classic OPM na “Bakit Ngayon Ka Lang.”


Ipinauubaya na ni Garin sa publiko ang paghuhusga sa kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Una nang sinabi ni Garin na isang ‘big joke’ ang Senate Panel report at sinupalpal si Blue Ribbon Committee Chairperson Senator Richard Gordon na ginagamit ang kanyang posisyon para siya ay habulin.

Nanawagan din si Garin sa pamahalaan na panagutin ang sinumang nagnakaw ng pondo ng PhilHealth lalo na ang mga ginagamit ang COVID-19 pandemic para sa kanilang personal na interes.

Facebook Comments