Imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa mga nanalong narcolist, suportado ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson sa pagpapatuloy ng Philippine National Police o PNP ng imbestigasyon sa mga narco politicians na nanalo sa katatapos na eleksyon.

Diin ni Sotto, dapat lang sampahan ng kaso ang mga politiko na kasama sa narcolist kahit pa nagwagi sila idinaos na halalan.

Giit naman ni Senator Lacson, dapat maghanap ng matibay na ebidensya ang PNP para maging malakas ang kasong isasampa laban sa mga narco politician.


Ayon kay Lacson, ito ang hakbang na dapat iprayoridad ng pambansang pulisya bago magkasa ng police operations o ipahiya sila sa publiko dahil lang sa intelligence reports na sila ay may kinalaman sa ilegal na droga.

Facebook Comments