Imbestigasyon ng Coastguard at Marina nakarating na sa Office of the President

361

Kumpirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade na natapos na ang imbestigasyon ng Philippine Coastguard at ng MARINA ang kanilang imbestigasyon sa pagbangga ng isang Chinese Vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.

Sa isang interview kay Tugade dito sa Bangkok Thailand ay sinabi nito na noong nakaraang huwebes ay naisumite na ng PCG at MARINA ang resulta ng kanilang imbestigasyon.


Pero sinabi ni Tugade na hindi na siya magkokomento sa resulta ng imbestigasyon at hahayaan nalang si Pangulong Duterte na magsalita ukol dito.

Hindi parin naman niya alam kung nabasa na ito ni Pangulong Duterte.

Binigyang diin naman ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na magtutulungan ang Pilipinas at China sa imbestigasyon upang mailabas ang tunay na nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers