Imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa PNP-PDEA misencounter, ipinagpaliban

39

Ipinagpaliban ng House Committee on Dangerous Drugs ang gagawin nitong pagdinig sa shooting incident sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Surigao Del Norte 2nd District Representative Ace Barbers na siyang chairman sa nasabing komite, ang naturang hakbang ay pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang anumang pag-iimbestiga rito.


Paliwanag ni Barbers, ito’y para bigyang daan ang gumugulong na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa insidente.

Facebook Comments