Imbestigasyon ng PCG sa ‘hit and run’ incident sa Recto Bank, tapos na, pero hindi pa mailalabas

Natapos na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang imbestigasyon nito hinggil sa umano’y ‘hit and run’ incident sa Recto Bank.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, naisumite na nila kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogio ang resulta ng imbestigasyon.

Gayunman, hindi pa nila ito maisapubliko dahil hindi nila alam kung dadalhin ito sa higher authority.


Samantala  naniniwala ang Regional Security at International Relations Expert na si Rommel Banlaoi na bukod sa imbestigasyon ng Pilipinas at China, dapat ding imbestigahan ng isang independent body ang insidente.

Aniya, kapag joint China-Philippines ang imbestigasyon, lumalabas lang na pareho nitong sinusubukang i-cover up ang isang bagay para makakuha ng parehong resulta.

Facebook Comments