Imbestigasyon ng PNP-IAS sa dating pinuno ng Crime Laboratory Satellite Office Supt. Lito Cabamongan na nahulihang nagsha-shabu, tinapos na

150

Manila, Philippines – Tinapos na ng PNP-Internal Affairs Service ang kanilang imbestigasyon kay Supt. Lito Cabamongan, dating pinuno ng Crime Laboratory Satellite Office sa alabang na naaresto noong March 30 matapos na mahuling nagsha-shabu.

Ayon kay Atty. Ma. Lyynberg Constantinopla – naisumite na nila kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resulta ng kanilang imbestigasyon pati na rin ang kanilang rekomendasyon.

Gayunman, tumanggi ang opisyal na isapubliko ang resulta ng imbestigasyon.

Una nang nagpositibo sa droga si Cabamongan at lumabas rin sa kanyang neuro-psychiatric test na maituturing itong psychologically unfit.

Facebook Comments