Imbestigasyon ng Senado sa ‘ninja cops’ may mabuting epekto sa war on drugs ng administrasyon

141

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Bong Go na may positibong hatid sa laban kontra ilegal na droga ang paglutang ng mga testigo sa Senate inquiry tungkol sa ‘BuCor GCTA for sale’ na napunta sa usapin ng ninja cops.

Ito ang inihayag ni Senador Go sa nakatakda muling imbestigasyon ngayong araw na inaasahang mayroon muling mga bagong pasabog at haharap na mga witnesses.


Sa panayam ng media matapos magbigay ng tulong sa mga nasunugan sa Cubao sa Quezon City, sinabi ni Go na nakabubuti ang nangyayari dahil lumalabas ngayon ang dapat mailabas kaya at mananagot din ang dapat managot.

Hinikayat nito ang sinumang uupong testigo na magsabi ng lahat ng nalalaman at walang itatago para malantad ang katotohanan kung sino ang nasa likod ng tinaguriang mga ninja cops.

Samantala, nilinaw ni Senador Go na wala siyang personal choice kung sino ang susunod na PNP chief basta importante aniya ay isang opisyal na may kakayahang linisin ang hanay ng pulisya at handang makipagpatayan sa laban kontra ilegal na droga.

Facebook Comments

From Advertisers