IMBESTIGASYON | Pagkakasama ni PDEA Director III Ismael Fajardo Jr. Sa drug matrix, bahagi na ng imbestigasyon at lifestyle check – Dir. Aaron Aquino

Manila, Philippines – Inihayag ni PDEA director Aaron Aquino na subject o sentro na ngayon ng ginagawang imbestigasyon at lifestyle check ng Philippine Drug Enforcement Agency ang posibleng pagiging protector ng drug syndicate ni PDEA Director III Ismael Fajardo Jr.

Kasunod naman ito ng pagkakasama ni Fajardo sa pinakabagong “drug matrix” inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa drug matrix, nakalagay sa listahan si Sr. Supt. Eduardo Acierto ng PNP bilang siya umabong pinuno.


Lumitaw ang pangalan ni Acierto sa imbestigasyon ng kamara na siya umanong kumuha ng consignee for hire sa P6.8 billion shabu sa warehouse sa Cavite na sinasabing nakasilid sa magnetic lifters.

Nasa ibaba naman ni Acierto sina Sr. Supt. Leonardo Suan at PDEA Director III Ismael Fajardo Jr.

Ayon kay Aquino, inaantay na nila ang resulta ng imbestigasyon ng NBI para sa pormal na pagsasampa ng kaso laban kay Fajardo.

Gagamitin din ng PDEA ang resulta ng imbestigasyon sa Senado at kamara para makabuo ng matibay na ebidensya laban kay Fajardo.

Facebook Comments