Imbestigasyon sa iba pang government agencies, pinapasaklaw ni Senator Go sa Task Force PhilHealth

132

Inirekomenda ni Senator Christopher “Bong” Go kay President Rodrigo Duterte na palawakin ang saklaw ng imbestigasyon ng binuong Task Force PhilHealth.

Ipinaliwanag ni Go sa Pangulo na ito ay upang maimbestigahan din ng task force ang kapalpakan o alegasyon ng korapsyon at iregularidad sa iba pang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Sabi ni Go, maaring hingin ng Ehekutibo ang tulong ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC) para sa pagkakasa ng imbestigasyon, pag-audit, at pagsasagawa ng lifestyle check.

Ayon kay Go, sa ganitong paraan ay mas mapapabilis ang pagsuspinde gayundin ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal sa mga masasangkot sa katiwalian na isa pangunahing nilalabanan ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments