Imbestigasyon sa insidente na naganap sa isang flight ng Cebu Pacific, ikinasa ng DOTr

Manila, Philippines – Ikinasa na ng Department of Transportation ang imbestigasyon sa insidente na naganap sa isang flight ng Cebu Pacific kung saan ay makikitang nagpa-panic ang mga pasahero.

Ito ay may kaugnayan sa viral video na ipinost sa facebook ni Gil Durano kung saan ay makikitang nagkakagulo ang mga tao dahil sa sobrang init sa loob ng flight 5j 575 ng Cebu Pacific na papunta sa Cebu City.

Isang babae rin ang hinimatay sa sobrang init makaraang masira ang air conditioning system ng eroplano.


Ilang mga pasahero ang nag-request sa mga crew na ilipat na sila ng eroplano o kaya naman ay palabasin pero maririnig naman ang isang crew na nagsabing manatiling nakaupo lang ang mga pasahero.

Sa kanilang statement, sinabi ng DOTr na pamumunuan ni Undersecretary for Aviation Capt. Manuel Antonio ang gagawin nilang imbestigasyon.

Umabot na sa mahigit sa 1 million ang views sa nasabing post sa Facebook.

Facebook Comments