
Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pananagutin ang mga scammer sa isang scam hub sa Cebu.
Sa isang online press briefing, sinabi ni DICT Spokesperson at Asec. Renato Paraiso na nakikipag-ugnayan na ang DICT sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group para mapanagot ang scammer na nabisto sa isang content.
Kung maalala nag-viral ito sa social media matapos na mabisto ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pag-hack ng isang content creator sa cctv system ng nabanggit na scam hub.
Ani Paraiso, gumugulong na ang imbestigasyon ng Cybercrime and Investigation Division and Coordinating Center.
Nilinaw naman ni Paraiso na di nila kinukunsinti ang mga scammer ng kwestyunin niya na bakit kailangan pang isang content creator pa ang makatuklas sa naturang illigal na aktibidad.