
Hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa naging pagaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Foreign Relations Chairperson Imee Marcos, hindi pa nila isinasara ng tuluyan ang imbestigasyon sa isyung ito dahil patuloy pa rin ang paglutang ng maraming katanungan.
Kabilang sa mga hindi pa nasasagot ay sino ang nag-utos ng pag-aresto at paglipat kay Duterte sa The Hague at paano nakuha ang eroplanong ginamit sa operasyon.
Nanindigan din si Sen. Imee na patuloy niyang isusulong ang katotohanan at hindi titigil hanggang sa mapanagot ang nasa likod ng paglabag sa batas.
Samantala, pinuri naman ng mambabatas ang mabilis na pagaksyon ng Ombudsman matapos na isumite ang Chairman’s report kamakailan.