Imbestigasyon sa pagkakapatay sa drug operation ng 3-anyos na batang babae sa Rizal,  uulitin

Uulitin ng PNP-Internal Affairs Service ang imbestigasyon sa pagkakapatay ng tatlong gulang na batang babae sa isinagawang drug operation sa Rodriguez, Rizal noong Hunyo.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, diskumpyando sila sa naging resulta ng imbestigasyon at para matukoy kung sino talaga ang nakabaril sa bata ay uulitin nila ang imbestigasyon.

Iniutos na raw ni Atty. Triambulo sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng krimen at kumuha rin ng mga  pahayag mula sa mga testigo na nasa lugar.


Sinabi ni Triambulo na sa kabila na gumugulong na ang pre-charge investigation laban sa mga pulis na nagsagawa ng drug operation nais pa rin nilang malaman kung sino talaga sa mga pulis ang nakapatay.

Facebook Comments